Iba’t ibang uri ng tao ang aking nakasalamuha,
Bakas sa kanilang mga mata ang pigil na luha,
Sa paglisan sa bansang sinilangan
Upang maghanap-buhay sa Gitnang Silangan.
Sa paglisan sa munting tahanan,
Baon ay pag-asang maka-ahon sa kahirapan,
Buhay ng OFW ay kayhirap,
Para sa pamilyaý nagsusumikap.
Aking napagtanto,
Sari-saring kwento,
Buhay ng OFW,
Sadyang kay panglaw.
Buhay ng OFW sadyang kaylungkot,
Kanya-kanyang diskarte upang di mabugnot,
Ang ibaý naglilibang, kaibigan ang kasama,
May iba namang naglilibang mag-isa.
Ang pamilyang naiwan nawaý makuntento,
Sa kung ano ang kayang isustento,
Buhay OFW ay hindi madali,
Ibayong pagtitiis at dalamhati.